Mahirap? OO sobra.. Paano nga ba ito simulan? Dapat ba hindi ka muna magmamahal ulit o dapat ba gumamit ka ng iba? Alam nating lahat na mahirap to, kelan nga ba naging madali ang gumising isang araw na wala na yung taong dating inaasahan mo na nasa buhay mo parin paggising mo. Halos lahat ng bagay na nakikita mo nagpapaalala sakanya, sa mga ginagawa nyo.. Hindi mo alam kung nagpapaalala lang ba talga sakanya o inaalala mo lang sya.
May mga oras na sasabihin mo sa sarili mo na “tama na, ayoko narin, suko na ko” pero kadalasan hindi nmn nagagawa agad agad. May mga taong aasa parin, may mga taong gagawa parin ng paraan.. Alam kong mahirap ang maiwanan o mawalan, pero naisip mo rin ba minsan na kaya sya nawala ay para mas gawin kang strong. Hindi ang pagkawala nya ang dapat magpahina sayo, dapat matuto ka.. dapat mas maging malakas ka, para sa susunod na pagkakataong magmamahal ka ulit hindi ka na masyadong magkakamali ulit.
Wala ng iba pang paraan sa pagmove on kung hindi ang pagtanggap, sa una umiyak ka, iiyak mo lahat, isurrender mo ang sarili mo sa pain.. Darating yung araw na mapapagod ka ng umiyak, pero malulungkot ka parin.. Try to make yourself happy, kaylangan mong gumawa ng paraan.. Nandyan ang mga kaibigan mo, ang pamilya mo.. Hindi mo kaylangan gumamit ng ibang tao para maramdaman mo na may nagmamahal sayo. Wag na wag kang makikipagrelasyon ulit para lang makalimot, sa paraan na yon mas masasaktan ka lang at makakasakit ka pa. Learn to appreciate things, lagi mong tatandaan na hindi sya yung huli, may susunod pang tao na magpapasaya sayo higit pa sa ginawa nya.. Pero wag mong kakalimutan ang mga memories nyo as a partner, treasure it.. Ang mga panahong naging masaya ka ay ang mga mahahalagang panahon.. Love yourself..